Advertisement

Responsive Advertisement

“BAKA SIYA ANG KAILANGAN MAGPA-DRUG TEST" ATTY. CLAIRE CASTRO BINANATAN SI VP SARA SA PURO WALANG BASEHANG PARATANG SA PANGULO

Biyernes, Disyembre 5, 2025

 



Nag-init ang political arena matapos maglabas ng matapang na pahayag si Atty. Claire Castro, tagapagsalita ng Pangulo, na diretsong bumanat kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa kaniya, sobra-sobra na umano ang mga paratang ng Bise Presidente laban kay Pangulong Bongbong Marcos at karamihan dito ay walang anumang matibay na basehan.


Ayon kay Castro, tila ginagawa na lamang umano ni VP Sara ang lahat ng paraan upang sirain ang Pangulo, kahit wala namang pruweba o sapat na ebidensya.


“Baka siya ang kailangan magpa-drug test. Hindi puwedeng bawat banggit niya ay ituring agad na totoo. Kung gusto niyang pabagsakin ang Pangulo, maglabas siya ng malinaw na ebidensya hindi haka-haka,” ani Castro sa isang panayam.


Sa isang bahagi ng kanyang pahayag, hindi na nagpaligoy-ligoy si Castro. Ayon sa kanya, kung talagang isyung drug test ang gusto ni VP Sara na ibato sa Pangulo, dapat ay tingnan muna nito ang sarili bago manuro ng iba.


Ayon kay Castro, hindi patas at hindi makatarungan na basta na lamang ihagis ang isyu sa Pangulo nang walang dahilan.


Sa matitinding palitan ng pahayag, malinaw na hindi magpapatalo ang Palasyo. Para kay Atty. Claire Castro, ang mga tirada ni VP Sara ay hindi lamang walang basehan nakasasagabal pa sa tunay na trabaho ng gobyerno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento