Advertisement

Responsive Advertisement

"LAHAT NG NALULONG SA DROGA AY ILALAGAY NATIN SA MAAYOS NA REHAB PROGRAM" PANGULONG MARCOS NANGAKONG LILINISIN ANG PILIPINAS BAGO MATAPOS ANG KANYANG TERMINO

Martes, Disyembre 2, 2025

 



Nagpahayag ng matapang na pangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bago matapos ang kanyang anim na taong termino, malalagay sa tamang rehabilitasyon ang lahat ng nalululong sa ilegal na droga upang mabigyan sila ng pagkakataong magbagong-buhay.


Ayon sa Pangulo, hindi raw sapat ang puro paghuli ang tunay na solusyon ay makatao, epektibo, at pangmatagalang programa para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong upang tuluyang makalaya mula sa bisyo.


“Bago matapos ang aking anim na taon, lilinisin ko ang Pilipinas. Lahat ng nalulong sa droga ay ilalagay natin sa maayos na rehab program para may pagkakataong magbago at hindi na muling bumalik sa paggamit.” -Pangulong Marcos


Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng Pangulo na ang kanyang drug rehabilitation initiative ay nakatuon hindi sa takot, kundi sa pagpapagaling at pag-angat ng bawat Pilipinong naapektuhan ng droga.


Giit niya, ang droga raw ay hindi lamang isyu ng kriminalidad, kundi isang pambansang problema na nangangailangan ng komprehensibong solusyon mula health services, counseling, skills training, hanggang reintegration sa lipunan.


Ipinaliwanag ng administrasyon na ang magiging modelo ng programa ay community-based rehabilitation, mas accessible at hindi nakakatakot.


Ang pangako ni Pangulong Marcos ay isang malaking shift mula sa nakaraang drug war approach. Sa halip na pwersa at dahas, rehabilitasyon, pang-unawa, at oportunidad ang inihahain ng administrasyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento