Naglabas ng matapang na paghahambing si DILG Secretary Jonvic Remulla tungkol sa kampanya kontra droga ng administrasyong Marcos at ng nakaraang administrasyon.
Ayon sa kanya, mas epektibo, mas makatao, at mas pangmatagalan ang drug war ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil nakabatay ito sa awa, malasakit, rehabilitasyon, at tunay na pagbabagong-buhay, hindi sa takot at dahas.
“Mas epektibo ang drug war ni Pangulong Marcos kaysa sa nakaraan. Ang tao, mas nagbabago kapag may awa, malasakit, at pag-asa. Hindi dahil sa dahas o pananakot.” -DILG Secretary Jonvic Remulla
Ipinaliwanag ni Remulla na ang paraan ng kasalukuyang administrasyon ay nakatuon sa paglapit sa komunidad, pagbibigay ng tulong, at pagresolba sa ugat ng problema hindi simpleng paghabol at pagparusa.
Dagdag pa niya, ang programang kontra droga ng kasalukuyang administrasyon ay nagbibigay ng second chance, mental health support, livelihood programs, at community-based rehab, na nagreresulta sa mas mababang relapse rate.
Ang pahayag ni Secretary Jonvic Remulla ay nagpapakita ng malaking pagbabago sa direksyon ng kampanya kontra droga sa bansa.
Mula sa isang policy na nakabatay sa takot at pwersa, ang administrasyong Marcos ay nagtutulak ng makataong solusyon rehabilitasyon, compassion, at pagbibigay ng bagong oportunidad.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento