Matapang na sinagot ni Senator Raffy Tulfo ang kritisismo na bumabalot sa kontrobersyal na ₱750,000 tip na ibinigay niya sa ilang VivaMax artists na nag-perform sa kanyang ginanap na Christmas party. Sa pagputok ng isyu online, marami ang nagtanong kung saan nanggaling ang malaking halagang ito—may ilan pang nagbintang na maaaring may bahid ito ng public funds.
“Galing po sa sarili kong pera ang 750K na tip. Wala akong ginamit na pondo ng gobyerno. Huwag po nating gawing isyu ang personal kong pera, ang mahalaga, hindi ko kailanman inaabuso ang pera ng bayan.” -Senator Raffy Tulfo
Ayon sa senador, sarili niyang pera ang ibinigay niyang tip, at wala itong kahit anong koneksyon o pisong galing sa pondo ng gobyerno. Bilang isang negosyante at longtime media personality bago maging senador, giit niya, kaya niyang magbigay ng ganitong halaga mula sa sariling bulsa nang hindi humihingi ng kahit anong pera sa Senado.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tulfo na hindi kailanman tama na akusahan siyang nagwaldas ng pera ng taumbayan, lalo na’t malinaw niyang ipinaliwanag na personal event ito at hindi funded ng gobyerno.
Sa gitna ng kritikong sumabog online, nanindigan si Sen. Raffy Tulfo na ang 750K tip na ibinigay niya ay pribado, personal, at walang kinalaman sa pondo ng bayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento