Bago pa man magsimula ang pagdinig sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), agad na hiniling ni Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos na huwag i-livestream ang session.
“Hindi ako nagtatago. Humarap ako sa ICI at sumagot sa lahat ng tanong. May karapatan din ako para sa seguridad at proteksyon ko. Ang hiling ko lang ay huwag gawing palabas ang proseso" -Sandro Marcos
Ayon sa kanya, hindi ito para “itago ang katotohanan” gaya ng sinasabi ng mga kritiko, kundi para protektahan ang kanyang personal security, privacy, at integridad ng proseso.
Sa harap ng mga alegasyon at batikos, sinabi niyang posibleng maabuso ang livestream upang baluktutin ang kanyang sagot, putulin ang mga clip, at gamitin kontra sa kanya sa social media.
binigyang-diin ni Marcos na tumitindi ang online harassment, death threats, at smear campaigns laban sa kanya. Aniya, hindi na ito simpleng politika kundi usapin na ng security.
Tinukoy din niya na sensitibo ang ilang dokumento at testimonya na posibleng hindi dapat makita agad ng publiko habang nasa proseso pa ang imbestigasyon. Sa sandaling makapagsumpa si Sandro Marcos, agad umano siyang nag-request ng executive session, na sinang-ayunan ng ilang miyembro ng ICI dahil dito, pinatay ang livestream, at ang natitirang bahagi ng pagdinig ay ginanap nang behind closed doors.
Malinaw na ang paghingi ni Sandro Marcos ng no livestream at executive session ay bahagi ng mas malawak na usapin tungkol sa security, fairness, at public pressure sa panahon ng digital politics.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento