Matapos irekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay ng umano’y partisipasyon sa flood control anomalies, naging emosyonal at agad na nanawagan si dating Senador Bong Revilla sa publiko.
“Ipagdasal niyo po ako dahil wala akong kasalanan, hindi ako takot sa katotohanan. Ang pinakakatakot ko lang ay ang panlilinlang na ginagamit para ilihis ang atensyon ng taumbayan. Ginagawa lang akong easy target.” - Former Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ayon kay Revilla, matindi ang mga paratang na ibinibigay sa kanya, ngunit malinaw daw sa kanyang konsensya na wala siyang nilabag na batas. Sinabi niyang hindi siya dapat turingang kriminal base lamang sa alegasyon.
Mariing itinanggi ni Revilla ang lahat ng akusasyon. Ayon sa kanya, hindi siya kailanman sangkot sa umano’y maanomalyang flood control projects at wala raw matibay na basehang ipinapakita ang rekomendasyon ng ICI.
Isa sa pinakamabigat na binitawang linya ng dating Senador ay ang sinasabing pagiging “easy target” niya ng mga kritiko at grupo na nagtatangkang ilihis ang atensyon ng publiko sa mas malalaking anomalya. Ayon kay Revilla, ilang beses na siyang ginawang halimbawa, ginawang headline, at ginawang simbolo ng umano’y katiwalian kahit wala raw direktang ebidensya laban sa kanya.
Ang paglabas ng rekomendasyon ng ICI laban kay Bong Revilla ay nagpasiklab muli ng diskusyon sa politika, accountability, at public perception. Para kay Revilla, malinaw ang punto na hindi siya sangkot, at ang isyu ay bahagi lamang ng mas malaking narrative na naglalayong ilihis ang atensyon ng publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento