Sa isang matapang at mabigat na pahayag, sinabi ni Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang mga pondo mula sa PhilHealth at Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) dalawang institusyon na may malinaw at eksklusibong mandato—ay umano’y nilihis at ginamit para pondohan ang iba’t ibang proyekto ng gobyerno para sa flood control.
“Kung ang pondong nakalaan para sa kalusugan at proteksiyon ng bank deposits ay ililipat sa flood control nang walang otorisasyon ng batas, malinaw iyon na paglabag sa Konstitusyon.” -Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio
Ayon kay Carpio, kung totoo ang ganitong paglipat ng pondo, ito ay “direktang paglabag sa Konstitusyon” dahil hindi maaaring gamitin ang earmarked funds para sa ibang layunin maliban sa itinakdang mandato ng batas.
Anumang paggalaw raw sa mga pondong ito, kahit pa para sa “infrastructure” o “flood control,” ay hindi maaaring gawin nang walang malinaw na batas na nagbibigay pahintulot.
Binanggit ni Carpio ang prinsipyo ng fiscal autonomy at earmarked funds, kung saan malinaw na nakasaad ang hangganan ng paggamit ng mga pondo ng mga government-owned and controlled corporations (GOCCs).
Para sa kanya, kung nagkaroon nga ng paglipat ng pondo, dapat itong ipaliwanag, imbestigahan, at patunayan kung may nilabag na batas. Dagdag pa rito, nagiging mas mainit ang usapin dahil ang flood control sector ay isa sa pinakamalaki at pinaka-kontrobersiyal sa national budget.
Ang alegasyon ni Retired Justice Antonio Carpio ay nagbukas ng panibagong diskurso sa legalidad at integridad ng paggalaw ng pondo ng ilang mahahalagang ahensiya.
Binigyang-diin niya na ang mga pondo ng PhilHealth at PDIC ay hindi ordinaryong kaban ng bayan ito ay trust funds na may partikular at protektadong layunin

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento