Umani ng matinding reaksyon ang pahayag ng legal counsel ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) matapos nitong kuwestiyunin ang umano’y maluwag na pagtrato ng Senado sa isang senador na matagal nang hindi pumapasok. Ayon sa ICI legal counsel, malinaw ang pagkakaiba ng trato sa ordinaryong empleyado kumpara sa isang halal na opisyal.
Aniya, sa normal na empleyado, kahit tatlong linggong pagliban ay maaari nang magresulta sa termination. Kaya’t nakapagtataka raw na tila may espesyal na pag-intindi kapag senador na ang sangkot.
“Simpleng government employee ka nga eh, a-absent ka ng tatlong linggo, matsutsugi ka na. Bakit siya kaya puwede na lang hindi pumasok? Ang alalahanin din niya, senador siya at kailangan niyang gampanan ang tungkulin niya. Hindi siya in-elect para lang protektahan si Duterte.” - ICI
Sa naging diskusyon, diretsahang tinanong ng ICI counsel kung bakit tila pinapayagan ng liderato ng Senado ang prolonged absence nang walang malinaw na aksyon o paliwanag sa publiko.
Ang naging komento ng ICI legal counsel ay naglatag ng mas malalim na diskusyon tungkol sa responsibilidad at transparency ng mga halal na opisyal.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento