Advertisement

Responsive Advertisement

"ANTE KLER WALA KA SA REALIDAD, MAS BAGAY SIGURO SA’YO MAG-NOTARYO SA RECTO" REP. PULONG DUTERTE BINUWELTAHAN SI ATTY. CLAIRE CASTRO “₱500 NOCHE BUENA"

Lunes, Disyembre 1, 2025

 



Matapang na sinagot ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte si Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro matapos nitong ipagtanggol ang pahayag na ₱500 ay sapat na umano para sa Noche Buena ng isang pamilyang Pilipino.


Ayon kay Rep. Pulong, malinaw na “wala sa realidad” ang ganoong pahayag at tila minamaliit nito ang tunay na hirap na pinagdadaanan ng ordinaryong mamamayan, lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain.


"Ante Kler, wala ka sa realidad kung ganyan din lang ang level ng analysis mo, mas bagay siguro sa’yo mag-notaryo sa Recto kaysa mag-lecture sa taumbayan kung sapat ba ang ₱500 para sa Noche Buena. Madam, kahit ‘yung ham na kasing nipis ng konsensya ng grupo ninyo, hindi na ’yan kasya." - Rep. Paolo Duterte 


Dagdag pa ng kongresista, araw-araw namimili ang mga Pilipino at alam nila na kahit simpleng handaan ay mahirap ipagkasya sa maliit na halaga.Giit niya, kung gusto talagang tumulong ng gobyerno, dapat iwasan ang paglalabas ng pahayag na hindi tugma sa tunay na sitwasyon ng mga pamilya, lalo na sa mga minimum wage earners.


Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, muling nabuhay ang diskusyon tungkol sa kakayanan ng mga pamilya na makapaghain ng disenteng Noche Buena. Ang matapang na pahayag ni Rep. Pulong Duterte ay nagbigay-diin sa disconnect ng ilang opisyal mula sa totoong pang-araw-araw na buhay ng mamamayan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento