Advertisement

Responsive Advertisement

"MAHIYA NAMAN TAYO, UNAHIN NATIN ANG MAS MALAKING BANTA SA KABAN NG BAYAN" REP. LEVISTE KUMONTRA SA SUSPENSION KAY REP. KIKO BARZAGA

Martes, Disyembre 2, 2025

 



Matapang na umapela si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste matapos aprubahan ng House of Representatives ang 60-day suspension laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga dahil sa isang ethics complaint. Ayon kay Leviste, hindi ito dapat ang pangunahing inuuna ng Kamara lalo na’t may mas mabibigat na isyung nangangailangan ng agarang imbestigasyon tulad ng umano’y bilyon-bilyong pisong anomalya sa mga flood control projects ng DPWH.


“Mahiya naman tayo na inuuna natin ang suspension ni Cong. Barzaga kaysa sa ating kasamahang iniuugnay sa pagnanakaw ng bilyun-bilyong piso sa DPWH na hindi iniimbestigahan ng Kongreso" -Rep. Leandro Leviste


Para kay Leviste, hindi dapat pag-ukulan ng mas malaking oras at enerhiya ang isang individual ethics case, lalo na kung may mga alegasyong may kinalaman sa malawakang pagnanakaw ng pondo ng bayan na nananatiling hindi pa sinisiyasat ng Kamara.


Giit niya, ang pera ng taumbayan ay hindi puwedeng balewalain o ipagpaliban ang imbestigasyon.

Araw-araw ay umaasa ang mga Pilipino na ang kanilang binabayarang buwis ay nauuwi sa proyekto, serbisyo, at kapaki-pakinabang na programa—hindi sa bulsa ng iilang nasa kapangyarihan.


Ayon sa kongresista, dapat nang maglabas ng malinaw na aksyon ang Kamara tungkol sa mga alegasyon ng anomalya sa flood control funds.


Ang pahayag ni Rep. Leandro Leviste ay nagbukas ng panibagong diskusyon tungkol sa tamang prayoridad ng Kongreso.

Habang mas mabilis na naaksyunan ang suspension ni Rep. Barzaga, tila nananatili namang tahimik ang Kamara sa mas malaking isyu ng bilyon-bilyong pisong flood control anomalies.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento