Advertisement

Responsive Advertisement

“DIVERSION TACTIC ITO NI MARCOS PARA MAILIBING ANG TUNAY NA ISYU” REP. KIKO BARZAGA NANINIWALANG NILILIHIS ANG TUNAY NA ISYU NG KORAPSYON

Martes, Disyembre 2, 2025

 



Naglabas ng matapang na pahayag si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kasunod ng mga kontrobersya at atensyong ibinabato sa kanya nitong mga nagdaang araw. Ayon sa kongresista, malinaw ang nakikita niyang pattern: pinapalitan ang sentro ng usapan para makalimutan ng publiko ang umano’y mas malalaking anomalya na bumabalot sa administrasyon.


“Nililihis nila ang malaking isyu papunta sa akin. The timing is very timing para makalimutan ng taumbayan ang totoong issue sa korapsyon.” -Rep. Kiko Barzaga 


Giit niya, hindi raw siya ang tunay na target kundi ang atensyon ng publiko. At sa paglipat ng usapan sa kanya, nababawasan ang pressure sa mga opisyal na inaakusahang sangkot sa bilyon-bilyong anomalya sa flood control at iba pang proyekto ng pamahalaan.


Ayon sa kongresista, tila sinadya ang paglabas ng isyu upang ilihis ang galit ng publiko palayo sa mga opisyal na may mabibigat na akusasyon ng katiwalian. Sa halip na harapin ang mga alegasyon, sinabi ni Barzaga na ginagamit siya bilang pansangga para ma-divert ang galit ng publiko.


Ang pahayag ni Rep. Kiko Barzaga ay nagbigay ng bagong perspektibo sa lumalawak na diskusyon tungkol sa transparency at accountability sa pamahalaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento