Advertisement

Responsive Advertisement

"OUR LEADERS REMAIN SILENT, SOBRANG TAHIMIK NAKAKABINGI!" MISS UNIVERSE CATRIONA GRAY MAY MAPATANG NA MENSAHE KAY PANGULONG MARCOS AT SA KANYANG ADMINISTRATION

Lunes, Disyembre 1, 2025


Nagpakita ng matapang na paninindigan si Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos siyang makiisa sa isinasagawang kilos-protesta sa People Power Monument sa EDSA, bilang pakikiisa sa taumbayan na pagod na sa talamak na korupsyon, katiwalian, at pag-abuso ng kapangyarihan sa gobyerno.


“While our nation grows exhausted, our leaders remain silent. Sobrang tahimik, nakakabingi! Ilang baha pa? Ilang scandal pa? Ilang nakaw na pondo pa before we finally say ‘tama na!’” - Catriona Gray


Nakihalo siya sa libo-libong nagtipon upang ipanawagan ang katotohanan, pananagutan, at reporma. Ang presensya niya ay nagbigay ng malakas na mensahe: hindi kailangan maging politiko para manindigan para sa bayan.


Hindi nagpatumpik-tumpik si Catriona sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin. Sa harap ng mga nagpoprotesta, ipinaabot niya ang kanyang pagkadismaya sa kawalan ng aksyon mula sa ilang lider ng bansa kahit sunod-sunod ang problema.


Damang-dama sa kanyang tinig ang pag-aalala at pagkapagod sa paulit-ulit na isyu ng korupsyon at maling pamamahala.


Maraming Pilipino ang natuwa at humanga sa pagdalo ni Catriona. Hindi niya itinago ang kanyang saloobin at hindi rin siya natakot na magsalita tungkol sa mga isyung matagal nang nagpapahirap sa mga Pilipino.


Ang paglahok ni Catriona Gray sa protesta ay hindi lang pagpapakita ng suporta ito ay pagpapahayag ng pag-asa at tapang sa harap ng isang sistemang tila patuloy na binabalot ng katiwalian.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento