Ilang buwan matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian na “Mahiya naman kayo,” nagbigay naman ng matapang na panawagan si Caloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal Davidngunit sa pagkakataong ito, para mismo sa Pangulo:
“Magtrabaho naman kayo, wag puri prescon”
Ang pahayag ng Cardinal ay umani agad ng atensyon at diskusyon sa publiko, lalo na’t tumutukoy ito sa kabiguan umano ng administrasyon na tugunan ang malalaking isyu ng bansa mula sa korapsyon hanggang sa kahirapan at pagtaas ng bilihin.
Ayon kay Cardinal David, hindi sapat ang pagsasabi sa mga opisyal na mahiya. Ang kailangan daw ay konkretong aksyon, malinaw na plano, at determinadong pamumuno. Dagdag niya, kung tunay na nais ng gobyerno na sugpuin ang katiwalian, dapat magsimula ito sa mga taong pinakamalapit sa kapangyarihan.
Direktang hinamon ng Cardinal ang Pangulo na maging ehemplo, hindi lamang tagapag-utos. Ayon sa Cardinal, responsibilidad ng bawat Pilipino na makialam, magtanong, at mag-demand ng accountability sa mga pinuno.
Nagbigay ng malakas na pahayag si Cardinal Pablo Virgilio David, nagsisilbing boses ng dismayado at pagod na taumbayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento