Nagpaulan ng matapang at kontrobersyal na pahayag si Rep. Perci Cendaña matapos niyang igiit na dapat mag-resign si Vice President Sara Duterte dahil umano’y “hindi siya kwalipikado” para sa posisyong hawak niya ngayon.
Ayon kay Cendaña, mas makabubuting umalis na sa puwesto ang Pangalawang Pangulo upang bigyang-daan ang lideratong tunay na mag-aayos ng bansa.
Sa isang panayam, hindi nag-atubili si Cendaña na ihayag ang kaniyang pagkadismaya sa kasalukuyang direksyon ng pamahalaan at idinagdag na kung hindi rin umano maitatama ni Pangulong Marcos ang bansa, “sila na ang aayos sa Pilipinas.” - Rep. Perci Cendaña
Sinabi ng kongresista na malinaw umano sa kanya na hindi nakakatulong ang kasalukuyang liderato ng Pangalawang Pangulo sa pagresolba ng mga isyung kinakaharap ng bansa.
Ayon kay Cendaña maraming isyu ang bumabalot sa kasalukuyang administrasyon at sa tanggapan ng Bise Presidente mula sa confidential funds hanggang sa leadership controversy na nagdulot ng pagdududa ng ilan sa kakayahan ng pamunuan.
Ang matapang na pahayag ni Rep. Perci Cendaña ay patunay ng tumitinding tensyon at hindi pagkakasundo sa loob ng political landscape ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento