Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI NA MULING BABALIK SA DILIM ANG PILIPINAS” PANGULONG MARCOS NANGAKONG TUTULDUKAN NG KANIYANG ADMINISTRASYON ANG LAHAT NG URI NG KORAPSYON

Lunes, Disyembre 1, 2025

 



Matapang na ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang Pilipinas ay hindi na muling babalik sa kadiliman, kasabay ng pangakong tuldukan ng kaniyang administrasyon ang lahat ng uri ng korapsyon na matagal nang nagpapahirap sa bansa.


Ayon sa Pangulo, “sumikat na ang araw” para sa Pilipinas, isang simbolo ng pag-asa, pagbangon, at bagong direksyon na umano’y tinatahak ngayon ng bansa.


“Pilipinas, hindi na tayo babalik sa dilim. Ang araw ay sumikat na. At habang nandito ako, hindi ko hahayaang lamunin muli tayo ng korapsyon” -Pangulong Marcos


Inihayag ni PBBM na nalalagpasan na ng bansa ang mga taon ng kaguluhan, krisis, at kawalan ng tiwala sa pamahalaan. Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin niyang ang kinakaharap ngayon ng bansa ay panahon ng pagbubukas ng oportunidad at pagpapalakas ng institusyon.


Sinabi rin ng Pangulo na handang-handa ang administrasyon sa pagpapatupad ng mga reporma para tuluyang umangat ang ekonomiya.


Ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr. ay malinaw na panawagan para sa pag-asa at pagkilos, kasabay ng pangakong tapusin ang korapsyon na sumira sa tiwala ng taumbayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento