Umuugong muli ang political landscape matapos magpahayag si Direk Darryl Yap na, sa kaniyang pananaw, walang opposition figure kahit pa magsama-sama sina Bam Aquino, Leni Robredo, at Risa Hontiveros ang kayang tumalo kay Vice President Sara Duterte kung papalaot ito sa pagtakbo sa pagkapangulo sa Halalan 2028.
Ang kanyang maikling online post ay agad nag-trending at nagpasiklab ng mainit na diskusyon sa social media, lalo’t isa sa mga itinuturing na pinakamalakas at pinaka-kontrobersyal na personalidad sa politika si VP Sara.
“Hindi kaya ni Bam Aquino, Leni Robredo at Risa Hontiveros talunin si Inday Sara Duterte. Hindi n’yo kaya.” - Darryl Yap
Nagmistulang hamon at prediksyon ang kanyang mensahe, na nagbukas ng malawak na debate hinggil sa tunay na lakas ng political machinery ni VP Sara at ng kanyang base.
Ang pahayag ni Direk Darryl Yap ay hindi lamang prediksyon ito ay naging trigger ng malawakang talakayan tungkol sa posibilidad ng pagtakbo ni VP Sara sa 2028 at kung sino ang tunay na may lakas na lumaban sa kanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento