Naglabas ng matapang na pahayag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng tumitinding presyon at kritisismo mula sa publiko. Ayon sa kanya, handa siyang harapin kahit ang galit ng taumbayan kung iyon ang magiging kapalit ng pagpapatupad ng batas at pagpapanumbalik ng kaayusan sa bansa.
“Kung ang pagpapatupad ng batas ang dahilan ng galit ng ilan, haharapin ko iyon. Mas mahalaga ang kaayusan ng bansa kaysa sa takot sa opinyon ng tao.” - DILG Secretary Jonvic Remulla
Para kay Remulla, hindi raw maaaring maging “selective” ang enforcement at hindi rin dapat mangamba sa backlash kung ang layunin ay protektahan ang kapakanan ng nakararami.
Diretsong sinabi ng Kalihim na mas kinatatakutan niya ang pagguho ng batas, respeto, at disiplina sa lipunan kaysa sa anumang galit o intriga mula sa publiko. Giit niya, kung takot ang uunahin ng mga namumuno, tiyak na magiging mas malala ang problema ng kriminalidad, kawalan ng disiplina, at paglabag sa batas.
Ayon kay Remulla, hindi niya hinahabol ang pagiging popular, hindi niya hinahabol ang papuri ang tanging pakay niya ay protektahan ang kapayapaan ng publiko at tiyakin na gumagana ang mga institusyon. Ang pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla ay nagpapakita ng isang malinaw na mensahe: hindi niya uunahin ang pulitika, kundi ang batas at kaayusan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento