Advertisement

Responsive Advertisement

"MALI MALI ANG MGA SINASABI NILA, HINDI NAGTUTUGMA" SEN. PING LACSON SINABING WALANG COMMON SENSE ANG MGA SALAYSAY NG 18 EX-MARINES

Lunes, Marso 2, 2026

 



Iginiit ni Senador Ping Lacson na walang common sense ang mga salaysay ng 18 dating miyembro ng militar sa kanilang isinumiteng affidavit kaugnay ng umano’y P805 bilyong cash delivery scheme.


Ayon sa senador, kung pagdudugtungin ang mga pahayag ng mga ex-marines, hindi ito tumutugma sa lohika at basic mathematics. Aniya, napakalaki ng halagang tinutukoy at kung susuriin ang aktwal na proseso ng paglipat ng ganoong kalaking halaga, maraming butas at hindi makatotohanang detalye ang lumilitaw.


Binigyang-diin ni Lacson na ang halagang P805 bilyon ay hindi simpleng halaga na basta na lamang maililipat sa pamamagitan ng “cash delivery.” Aniya, kung gagamitin ang simpleng kalkulasyon timbang ng pera, dami ng maleta, at logistic —maraming tanong ang hindi nasasagot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento