Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI KO INASAHAN PERO NAKAKATUWA ANG SUPORTA MULA VISAYAS AT MINDANAO.” PANGULONG MARCOS NAGULAT SA PAGTAAS NG RATINGS SA SWS SURVEY

Lunes, Disyembre 8, 2025

 



Nagpahayag ng pagkabigla at pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos lumabas ang pinakabagong SWS Survey na nagpapakitang malaki ang itinaas ng kanyang support ratings lalo na sa Visayas at Mindanao.


“Hindi ko alam ang resulta hanggang sinabi sa akin pero siyempre, ikinatutuwa ko ang patuloy na suporta ng ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao.” -Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ayon sa Pangulo, hindi niya inaasahan ang resulta, ngunit nagpapakita raw ito na patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino sa mga rehiyong ito.


Binigyang-diin ng Pangulo na anuman ang mga kinakaharap na kontrobersiya o krisis, hindi maaaring tumigil ang gobyerno sa paggawa ng trabaho. Diretsahan niyang sinabing trabaho ng gobyerno na magpatuloy, kahit sabayan pa ng intriga, kaguluhan, o pagsubok sa politika.


Para sa ilang political observers, ang pagtaas ng ratings ni Marcos sa kabila ng kontrobersiya ay malinaw na mensahe: hindi pa rin nawawala ang tiwala ng masa, lalo sa Visayas at Mindanao, kung saan tradisyonal na malakas ang suporta ng Pangulo.


Ang pagtaas ng approval rating ni Pangulong Marcos Jr. sa Visayas at Mindanao ay nagpapakita na malakas pa rin ang kaniyang pundasyon sa mga rehiyong ito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento