Nanawagan si Palace Press Officer Atty. Claire Castro ng mas mahigpit at mas malinaw na transparency measures sa Office of the Vice President (OVP) bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan para sa good governance at public accountability.
Ayon kay Castro, mahalagang masiguro ng lahat ng opisina ng gobyerno lalo na ang may mataas na posisyon na bukas at malinaw ang galaw ng pondo, upang mapanatili ang tiwala ng publiko.
“Kung gusto nating mawala ang kasakiman sa pamahalaan, dapat magsimula tayo sa opisina ni VP. Ang transparency ay hindi parusa ito ay obligasyon sa taumbayan.”
Para kay Castro, tungkulin ng lahat ng opisyal na magpakita ng kahandaan sa pagbusisi ng kanilang budget at operasyon, hindi dahil may pinaghihinalaan, kundi dahil karapatan ng taumbayan ang malaman ang takbo ng kanilang pera.
.
Nilinaw ni Castro na ang panawagang imbestigasyon o pag-review ng pondo ay hindi kailanman dapat ituring na pag-atake sa isang opisina o opisyal. Para sa kanya, kung malinaw ang lahat ng datos, mas lalakas ang tiwala ng publiko sa OVP at sa buong pamahalaan.
Pinatitibay ng panawagan ni Atty. Claire Castro ang kahalagahan ng transparency, openness, at accountability sa lahat ng pampublikong opisina. Hindi ito akusasyon, kundi isang positive governance measure para magpatuloy ang tiwala ng publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento