Nagbigay ng diretsahan at kontrobersyal na paalala si DTI Secretary Cristina Roque hinggil sa handaan ngayong Pasko. Ayon sa kanya, hindi kailangan ng engrande, mamahalin, o pang-modelong noche buena para masabing masaya ang pamilya.
“Kung pwede naman kayo mag-sardinas, bakit pa kayo magha-ham sa noche buena?” -DTI Secretary Cristina Roque
Sa panahon ngayon na mataas ang presyo ng bilihin at marami ang hirap sa gastusin, dapat umanong maging praktikal ang mga Pilipino at unahin ang pagkakaroon ng pagkain kaysa magarang pagkain.
Para kay Roque, hindi dapat ipilit ang mga mamahaling pagkain tulad ng hamon, keso de bola, o imported na sangkap kung mas importante naman na lahat ng miyembro ng pamilya ay may makakain at walang kailangang magpautang o mag-overspend para lang makasunod sa nakasanayang tradisyon.
Ayon sa DTI, ang layunin ng pahayag ay hikayatin ang mga Pilipino na maging wais sa paggastos at hindi magpadala sa pressure ng social media o societal expectations. Sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo, ang pagiging praktikal ay hindi tanda ng kakulangan ito ay paraan ng pagbangon at pag-aalaga sa pinansyal na kalusugan ng pamilya.
Ang pahayag ni DTI Sec. Cristina Roque ay naglatag ng simpleng ngunit mabigat na katotohanan na hindi nasusukat ang Pasko sa presyo ng handa, kundi sa presensya ng pamilya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento