Advertisement

Responsive Advertisement

"KAILANGAN NATIN MADAPA PARA TAYO MAKABANGON" PANGULONG MARCOS AMINADONG MARAMING PAGKUKULANG PERO HANDANG BUMAWI PARA SA TAUMBAYAN

Martes, Disyembre 9, 2025

 



Sa harap ng kritisismo, pagtaas ng galit ng publiko, at sunod-sunod na isyu sa ilalim ng kanyang termino, aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi perpekto ang kanyang administrasyon. 


Diretsahan niyang sinabi na may mga pagkukulang, may mga maling desisyon, at may mga problemang hindi agad natugunanlalo na ang mga isyung nagpapahirap sa taumbayan dahil sa korapsyon at kahinaan sa sistema.


"Hindi kami titigil. Kailangan natin madapa para tayo makabangon. At ngayon, oras na para bumangon at bumawi para sa taumbayan.”


Sa kanyang pahayag, binigyang diin ng Pangulo na handa siyang bumawi, hindi sa salita lamang kundi sa aktuwal na pagbabago sa paraan ng pagtatrabaho ng gobyerno. Tinanggap niya na maraming Pilipino ang nakararamdam ng bigat ng pang-araw-araw na problema mahal na bilihin, kakulangan sa trabaho, at pagdududa sa kredibilidad ng pamahalaan.


Sa pag-amin ni Pangulong Marcos sa pagkukulang ng kanyang administrasyon, nabuo ang isang malinaw na mensahe na handa siyang humarap sa galit, duda, at paghuhusga ng taumbayan kung ang kapalit naman ay pagkakataong bumawi at ayusin ang mali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento