Naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng diretsahang pahayag na handa siyang magpatawad at makipag-ayos sa pamilya Duterte matapos ang matagal na tensyon sa politika. Para sa kanya, mas mahalaga ang pagkakaisa at pagbaba ng init sa pagitan ng dalawang kampo na minsang nagbangi sa loob mismo ng administrasyon.
"Handa akong magpatawad at mag-move on para sa kapakanan ng bansa, pero malinaw ang limitasyon ng kapangyarihan ko" -Pangulong Ferdinand Marcos Jr
Ngunit kahit malinaw ang tono ng pagpapatawad, agad niyang nilinaw ang limitasyon ng kanyang kapangyarihan: hindi niya kayang pabalikin o “iuwi” ang dating Pangulong Rodrigo Duterte kung ang mga isyu na kinasasangkutan nito ay hindi na kontrolado ng MalacaƱang.
Pinili ni Pangulong Marcos na ipakita sa publiko na handa siyang mag-move on mula sa bangayan nila ni VP Sara at ng ama nitong si Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay nakikita ng ilan bilang hakbang sa pagbaba ng tensyon sa politika, lalo na sa harap ng mga isyung hinaharap ng bansa.
Ipinakita ni Pangulong Marcos na ang liderato ay pagsasabay ng kababaang-loob at pagrespeto sa batas at kung ano man ang kinabukasan ng dating Pangulo, ito ay hindi maaapektuhan ng simpleng pahayag ng kapatawaran, kundi ng mga prosesong umiiral sa labas ng pulitika.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento