Advertisement

Responsive Advertisement

“PANAHON NA PARA TULDUKAN ANG POLITICAL DYNASTY” PANGULONG MARCOS NANAWAGAN SA KONGRESO NA UNAHIN ANG ANTI-DYNASTY BILL

Miyerkules, Disyembre 10, 2025

 



Sa isang pagpupulong kasama ang mga matataas na lider ng Kongreso, iniutos ng Pangulo na gawing agarang prayoridad ang pagpasa ng Anti-Dynasty Bill pati iba pang hakbang para palakasin ang transparency at labanan ang korapsyon.


“Panahon na para tuldukan natin ang political dynasty.” -Pangulong Ferdinand Marcos Jr


Ang pahayag na ito ay kapansin-pansin hindi lamang dahil sa bigat ng isyu, kundi dahil mismo ang Pangulo ay nagmula sa isa sa pinakamalakas at pinakamaimpluwensyang political families sa kasaysayan ng bansa.


Ngunit ayon kay Marcos, panahon na para solusyunan ang ugat ng napakaraming problema sa pulitika ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa iilang pamilya, na nagbubunga ng katiwalian, kawalan ng accountability, at kawalan ng patas na laban para sa ordinaryong Pilipino.


Sa pagpupulong kasama sina Senate President Tito Sotto, Senate Majority Leader Migz Zubiri, House Speaker Bojie Dy, at maging ang anak niyang si House Majority Leader Sandro Marcos, mariing inilahad ng Pangulo ang kanyang direktiba na unahin ang Anti-Dynasty Bill at iba pang transparency measures bago ang anumang politikal na agenda.


Ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Anti-Dynasty Bill ay maaaring maging isa sa pinakamalaking hakbang ng kanyang administrasyon—kung tutuparin ng Kongreso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento