Matapang na tumindig si Senador Raffy Tulfo upang ipagtanggol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa mga kritiko na paulit-ulit umanong nagsasabing “puro pakitang-tao” lamang ang Pangulo.
"Kung ano ang ugali ni Pangulong Marcos sa harap ng kamera, ganoon din siya sa likod nito. Hindi siya plastik, hindi siya pakitang-tao. Totoo ang kabaitan niya." - Sen. Raffy Tulfo
Ayon kay Tulfo, matagal na niyang nakakasalamuha ang Pangulo, at nakita niya raw mismo ang totoong ugali nito hindi pang-media, hindi pang-campaign, kundi personal at likas na kabaitan ng isang tao.
Hindi na nagpaligoy-ligoy si Tulfo nang banatan ang mga patutsada laban sa Pangulo. Ayon sa kanya, maraming nagmamarunong na hindi naman nakakasama o nakakaugnay sa Pangulo nang personal. At dahil dito, mali at hindi patas ang paghusga na ginagawa ng ilan.
Binira rin niya ang mga politiko at influencer na aniya’y gumagamit lamang ng isyu para magpasikat, manggulo, o makakuha ng traction, pero walang malinaw na basehan ang mga sinasabi. Ayon sa senador, hindi lahat ng lider ay may parehong ugali sa harap at likod ng kamera.
Sa panibagong sigalot sa pulitika at social media, diretsahang pumagitna si Senador Raffy Tulfo upang ituwid ang naratibo tungkol kay Pangulong Marcos.
Para sa kanya, hindi perpekto ang Pangulo ngunit malinaw na hindi ito pakitang-tao, gaya ng ipinaparatang ng ilang kritiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento