Naglabas ng matapang na pahayag si Vice President Sara Duterte matapos ang anunsyo ng ilang miyembro ng House of Representatives na may panibagong impeachment complaint na ihahain laban sa kanya. Ayon kay Duterte, hindi na siya nagulat at hindi na raw bago ang ganitong klase ng galawan sa pulitika.
"Ang mga pahayag tungkol sa bagong impeachment complaint ay hindi nakakagulat. Pareho lang ang timing, pareho ang galaw, at pareho ang intensyon. Paulit-ulit na ang patron na ginagamit laban sa akin." - Vice President Sara Duterte
Dagdag pa niya, ang timing umano ng complaint ay malinaw na sumusunod sa parehong pattern: tuwing mainit ang pulitika, tuwing may malaking isyu, o tuwing may gustong idehado sa narrative, bigla na lamang siyang nagiging target.
Binira ni Duterte ang tila predictable na paraan ng ilang grupo sa Kamara na pilit tinitira ang kanyang posisyon gamit ang impeachment bilang political weapon.
Ayon sa kanya, hindi raw ito usaping batas kundi usaping timing, at iyon pa lang ay malinaw nang indikasyon na may halong pulitika ang ginagalaw laban sa kanya. Ayon kay Duterte, hindi na siya nagpapaapekto sa mga paratang, panggigipit, at paulit-ulit na impeachment stunt laban sa kanya.
Sa gitna ng pag-usbong ng panibagong impeachment complaint, malinaw ang posisyon ni VP Sara Duterte na hindi siya nagugulat, hindi siya natatakot, at hindi siya papayag na gamitin ang impeachment bilang sandata sa pulitika.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento