Sa gitna ng mga akusasyong hawak umano siya ng Pangulo, diretsahang tumayo si Ombudsman Jesus Crispin Remulla at ipinaliwanag na hindi siya kontrolado ni Pangulong Marcos, kahit pa ang Pangulo mismo ang nagtalaga sa kanya.
"Oo, Pangulo ang nag-apoint sa akin. Pero hindi ibig sabihin noon na hawak niya ako. Wala siyang kontrol sa Ombudsman, at ang bawat desisyon ko ay nakabatay lamang sa ebidensya at sa batas hindi sa pulitika." -Ombudsman Jesus Crispin Remulla
Ayon kay Remulla, mali at mapanlinlang ang mga alegasyong ginagamit ng ilang kritiko upang siraan ang kanyang tanggapan at palabasing puppet daw siya ng administrasyon.
Ipinaliwanag ni Remulla na ang Office of the Ombudsman ay isang constitutional independent body, at hindi ito maaaring diktahan ng kahit sinong opisyal — kahit ng Pangulo mismo.
Ang mandato ng Ombudsman ay mag-imbestiga, magsampa ng kaso, at maghatol ng parusa batay sa ebidensya at batas, hindi batay sa political alliances o personal na relasyon.
Ayon kay Remulla, ginagamit lamang ng mga kritiko ang argumento na “Pangulo ang nag-appoint sa kanya” upang pahinain ang kredibilidad ng Ombudsman. Itinuring niya itong cheap political tactic na hindi dapat pinaniniwalaan ng publiko.
Sa harap ng kontrobersya at political noise, tumindig si Ombudsman Jesus Crispin Remulla upang ipagtanggol ang integridad ng kanyang tanggapan. Tiniyak niya sa publiko na ang Office of the Ombudsman ay hindi extension ng MalacaƱang, at ang bawat desisyon nito ay batay lamang sa batas at ebidensya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento