Advertisement

Responsive Advertisement

"KAHIT SIYA ANG BUMUO NG ICI, HINDI SIYA NANGINGIALAM" ATTY. CLAIRE CASTRO NILINAW NA HINDI NANGINGIALAM SI PANGULONG MARCOS SA ANUMANG DESISYON GINAGAWA NG ICI

Lunes, Disyembre 8, 2025

 



Sa harap ng patuloy na intrigang ipinupukol sa Malacañang, muling nanindigan si Atty. Claire Castro tagapagsalita ng Pangulo upang linawin ang usapin tungkol sa Independent Commission of Inquiry (ICI).


"Ang trabaho ng Pangulo ay bumuo ng mga institusyong maghahatid ng katotohanan. Ang trabaho ng ICI ay gawin ang kanilang mandato nang walang takot at walang kinikilingan. Hindi nakikialam ang Pangulo, at hindi niya iyon gagawin." - Atty. Claire Castro 


Ayon sa kanya, malinaw at tuwiran: hindi nangingialam si Pangulong Marcos sa anumang desisyon, direksyon, o imbestigasyon na ginagawa ng ICI.


Madalas umanong ginagawang argumento ng mga kritiko na dahil ang Pangulo ang bumuo ng komisyon, mayroon siyang impluwensiya rito. Ngunit pinasinungalingan ito nang mariin ni Castro.


Binanatan ni Castro ang mga nagsasabing hawak ng Pangulo ang ICI. Ayon sa kanya, paulit-ulit na ang maling interpretasyon ng mga kritiko tungkol sa role ng Presidente at role ng komisyon. Tinawag pa niya itong misinformed narrative na ginagamit lamang upang sirain ang integridad ng proseso.


Dagdag ni Castro, may mataas na kumpiyansa si Pangulong Marcos sa ICI. Ibig sabihin, anumang findings, rekomendasyon, o resulta ng imbestigasyon ay tatanggapin ng Pangulo nang walang pagdududa.


Muling pinaigting ni Atty. Claire Castro ang paninindigan ng Malacañang na Independent ang ICI. Walang kontrol ang Presidente. At handa siyang tanggapin ang anumang desisyon ng komisyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento