Advertisement

Responsive Advertisement

"PAUBOS NA ANG ORAS MO, KUMANTA KANA ALAM MO SI PANGULONG MARCOS ANG MASTERMIND NG LAHAT" DATING CONG. JING PARAS HINAMON SI MARTIN ROMUALDEZ

Lunes, Disyembre 8, 2025

 



Nagpasabog ng matinding pahayag si dating Negros Oriental Representative Jacinto “Jing” Paras matapos manawagan kay dating House Speaker Martin Romualdez na pangalanan mismo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang mastermind ng umano’y anomalya sa flood-control funds.


"Paubos na ang oras mo. Mas mabuti pang ituro mo na si Marcos bilang mastermind at makipagtulungan ka kay Zaldy Co dahil kung ikaw lang ang isasakripisyo, makakalaya ang tunay na mastermind." -Jacinto “Jing” Paras



Ayon kay Paras, malinaw umano ang galaw ng pulitik na may mga taong pilit itinutulak si Romualdez sa bangin, habang pinapakitang “whistleblower” si Pangulong Marcos upang malinis ang pangalan nito.


Diretsahang sinabi ni Paras na kung patuloy na mananahimik si Romualdez, siya lamang ang magiging sacrificial lamb, at ang tunay na utak sabi niya, si Marcos ay makakaiwas sa pananagutan.


Isang direkta, walang paliguy-ligoy, at nagbabagang hamon ito hindi karaniwang naririnig mula sa dating opisyal.


Ayon kay Paras, may malinaw na pattern kung paano gumagalaw ang kapangyarihan: habang tumitindi ang imbestigasyon, mas lumalakas ang pagtatangka na gawing ‘fall guy’ si Romualdez. Giit niya, kung hindi magsasalita ang dating Speaker, posibleng siya lamang ang mapaparusahan  habang ang sinasabi niyang “tunay na mastermind” ay tuluyang makakalusot.


Ang matapang na pahayag ni Jacinto “Jing” Paras ay hindi simpleng patama ito ay diretsahang akusasyon na posibleng yumanig sa pinakamataas na antas ng pamahalaan. Sa paghimok kay Martin Romualdez na pangalanan si Pangulong Marcos bilang mastermind, binuksan ni Paras ang pintuan sa mas malaking political banggaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento