Habang naka-60-day suspension mula sa House of Representatives, tila hindi nagpapahinga si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga. Sa halip, punong-puno ng enerhiya at determinasyon matapos ang kontrobersiya, nag-viral ang kanyang pahayag matapos makita siyang nagtitraining ng boxing.
"After gym boxing naman mga ka-meow, habang wala tayu sa tahanan ng mga buwaya. Pag balik ko, hamunin ko boxing mga naglalakihang kamag-anak ni Lolong doon." -Cong. Kiko Barzaga
Ayon sa kanya, hindi lang ito pampalipas oras, ito raw ay paghahanda sa kanyang pagbabalik sa “tahanan ng mga buwaya,” ang House of Congress, na tinukoy niya sa paraang simboliko.
Ayon sa mga malalapit kay Barzaga, hindi umano siya natitinag sa 60-day suspension. Sa katunayan, mas lalo pa itong nagpasiklab ng kanyang determinasyon na harapin ang mga isyung bumabalot sa Kongreso.Ginagamit ni Barzaga ang boxing hindi lang bilang exercise, kundi bilang simbolo ng pagtindig laban sa katiwalian, pang-aabuso ng kapangyarihan, at impluwensiyang nangingibabaw sa mababang kapulungan.
Sa gitna ng kanyang suspension, pinili ni Cong. Kiko Barzaga ang pagpapalakas, hindi pag-aatras. Ang kanyang boxing training ay hindi lamang pisikal na paghahanda, kundi malinaw na mensahe sa mga katunggali niya sa larangan ng pulitika na lumalaban siya, at babalik siyang mas matapang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento