Advertisement

Responsive Advertisement

“KUNG SAKALING LULUSUBIN TAYO, KAYA NG AFP IPAGTANGGOL ANG PILIPINAS SA LOOB NG ISANG LINGGO KAHIT WALANG TULONG MULA SA IBANG BANSA” GEN. BRAWNER TIWALA SA LAKAS NG AFP

Huwebes, Disyembre 11, 2025

 



Nagbigay ng matapang at diretsahang pahayag si AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. hinggil sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na protektahan ang bansa kung sakaling magkaroon ng agarang pag-atake mula sa China.


“Kaya ng AFP protektahan ang Pilipinas sa loob ng isang linggo kahit walang tulong mula sa ibang bansa. Hindi tayo madaling buwagin. Ang sundalong Pilipino laging handa, laging lumalaban, at hindi sumusuko para sa bayan.” -AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr


Ayon kay Gen. Brawner, kayang depensahan ng AFP ang Pilipinas sa loob ng isang linggo kahit walang suporta o tulong mula sa mga karatig-bansa o allies.

Bagama’t hindi maikakaila ang laki ng puwersang militar ng China, iginiit ng AFP Chief na hindi dapat mamaliitin ang kahandaan, karanasan, at kagalingan ng sundalong Pilipino.


Aniya, ang tunay na lakas ng AFP ay nasa tao, hindi lamang sa kagamitan.

Ito ang dahilan kung bakit tiwala siya na kahit walang international reinforcement, makakapagbigay ng matibay na depensa ang Pilipinas sa unang linggo ng gyera.


Pinaliwanag ni Gen. Brawner na sa kasaysayan ng bansa at sa iba’t ibang digmaan, napatunayan nang ang sundalong Pilipino ay may kakaibang resilience at fighting spirit.


Aminado si Brawner na may kulang pa sa modernisasyon ng AFP lalo sa kagamitan tulad ng missile systems, surveillance assets, at naval platforms pero hindi ibig sabihin nito ay wala nang kakayahang lumaban.


Ang pahayag ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. ay nagpapatibay sa paniniwala na ang Pilipinas ay hindi basta mahina o walang laban.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento