Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ay kulang pa sa modern equipment, firepower at advanced military technology, isang realidad na matagal nang hinaharap ng bansa.
"Aminado tayo na kulang pa sa modernization ang AFP at PNP. Kulang pa sa firepower at advanced technology. Pero hindi tayo kulang sa tapang, resilience at fighting spirit." -PBBM
Sa kabila nito, ipinahayag ng Pangulo na nananatili siyang buong tiwala sa kakayahan ng mga sundalo at pulis dahil sa kakaibang resilience, disiplina at fighting spirit ng mga Pilipino, isang katangian na hindi raw nabibili at hindi natutumbasan kahit ng pinakamodernong armas.
Giit ng Pangulo, hindi niya ikinakaila ang kakulangan sa modernization, ngunit hindi rin daw dapat maliitin ang lakas ng Pilipinas dahil ang tapang at determinasyon ng mga taong nagsisilbi sa uniformed services ay higit pa sa anumang high-tech na kagamitan.
Inamin ni Marcos na kailangan pang itulak ang modernization program upang makahabol sa ibang bansa, lalo na sa panahon na tumataas ang tensyon sa iba’t ibang teritoryo.
Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay isang realistiko at tapat na pag-amin sa kalagayan ng AFP at PNP: may mga kakulangan, kulang sa modernization, at may gap sa technology.
Ngunit sa kabilang banda, pinapakita ng Pangulo na hindi nasusukat ang lakas ng bansa sa armas lamang. Ang tunay na sandigan ng Pilipinas ay ang sundalong may puso, pulis na may disiplina, at fighting spirit na hindi natitinag kahit anong banta.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento