Nagbigay ng matapang at diretsahang pahayag si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos hamunin siya ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na siya mismo ang magposas kay Bato kung sakaling maglabas ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa senador.
“Pagbibigyan ko yung request niya na samahan ko siyang poposasan siya… I will be there beside him. Ganun nalang yun, bubulagain ko na lang siya siguro… I will make his day.” -Antonio “Sonny” Trillanes IV
Ang sagot ni Trillanes ay kumalat agad sa social media at naging sentro ng diskusyon, lalo na sa masalimuot na usapin tungkol sa ICC investigation sa giyera kontra droga noong nakaraang administrasyon.
Sa isang kamakailang panayam, ipinahayag ni Sen. Bato Dela Rosa na kung sakaling magkaroon ng arrest warrant mula sa ICC, gusto niyang si Trillanes mismo ang magposas sa kanya. Isang hamon na tila sinadyang magpasiklab ng diskurso at agad namang sinagot ng dating senador.
Marami ang nabigla dahil imbes na umiwas o magbigay ng diplomatic na sagot, tinanggap ni Trillanes ang hamon nang buong buo, na tila handang-handa siyang maging bahagi ng proseso sakaling maglabas ng warrant ang ICC.
Ang isyu sa pagitan nina Trillanes at Bato Dela Rosa ay patunay na nananatiling mainit ang usapan tungkol sa ICC at sa mga posibleng pananagutan ng ilang opisyal.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento