Advertisement

Responsive Advertisement

"BIKTIMA PO AKO NG SYSTEMA, BAKIT MALILIIT ANG LAGING NAKUKULONG" SARAH DISCAYA HINID NAPIGILAN MAIYAK, NANANAWAGAN NG PATAS NA IMBESTIGASYON

Huwebes, Disyembre 11, 2025

 





Naluha si Cezarah “Sarah” Discaya, ang itinuturong kontratista sa kontrobersyal na flood control scandal, matapos niyang ilabas ang kanyang sama ng loob tungkol sa posibilidad na makulong. Sa gitna ng imbestigasyon at banta ng kaso, iginiit ni Discaya na hindi siya dapat tratuhing parang pangunahing salarin dahil marami umano ang mas malalaki ang papel sa anomalya, ngunit tila mga “maliliit” lamang ang nauunang pinaparusahan.


“Kung makukulong, ayoko… ayoko sana. Biktima po ako ng systema. Bakit puro maliliit lang ang nakukulong? Lahat ng anak ko may ADHD" -Cezarah “Sarah” Discaya,


Sa kanyang pahayag, hindi napigilan ni Discaya ang emosyon habang inalala ang magiging epekto ng kanyang pagkakakulong sa pamilya. Ayon sa kanya, hindi biro ang sitwasyon dahil ang lahat ng kanyang anak ay may ADHD at nangangailangan ng patuloy na gabay at suporta. Dagdag pa niya, ang kanyang asawa ay nasa Senado, kaya’t siya lamang ang natitirang nakatutok sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga anak.


Pinagdiinan din ni Discaya na isa rin siyang biktima ng sistema. Hindi umano patas na tila siya lang ang nadidiin habang ang mga “malalaking tao” na posibleng bahagi ng anomalya ay hindi man lang natitinag.


Sa gitna ng kontrobersya, nananatiling mabigat ang sitwasyon para kay Sarah Discaya. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, malinaw na ang panawagan niya ay hindi lamang tungkol sa sarili niya, kundi sa pamilya niyang umaasa sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento