Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itinuturing niya ang sarili bilang “pinakapalad na tao,” lalo na dahil sa pamilyang kanyang kinabilangan. Sa isang talumpati, buong puso niyang ibinahagi kung paano siya lumaki na may magulang na hindi lamang nagturo ng disiplina kundi nagbigay din sa kanya ng direksyon sa buhay.
“I consider myself the luckiest person I know. I don’t know anyone luckier than I am because my father is very kind and that’s the kind of mother I have. Sa bawat karanasan ko, kahit ‘yung hindi ko gusto noon, may natutunan ako.”
Ayon sa Pangulo, malaking bahagi ng kanyang pananaw at kakayahan sa pamumuno ay bunga ng pagpapalaki nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Para sa kanya, ang bawat karanasan masaya man o mahirap ay nakapagpanday ng kanyang pag-iisip at katatagan. Sinabi pa niya na kahit ang mga bagay na hindi niya nagustuhan o mga pagsubok na ayaw niya noon, ay naging dahilan para siya ay matuto at lumakas.
Habang may sari-saring opinyon tungkol sa pamilya Marcos, malinaw sa Pangulo ang isang bagay malaki ang utang na loob niya sa pagpapalaki at aral na nakuha niya mula sa kanyang mga magulang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento