Tumanggi si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte sa hiling ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na humarap siya sa imbestigasyon kaugnay ng mga flood control project. Ginawa ni Pulong ang matapang na pahayag matapos makatanggap ng request mula sa ICI, na kasalukuyang nagsisiyasat sa umano’y katiwalian sa mga proyekto ng imprastraktura sa buong bansa.
“Wag niyo kaming gawing bobo. We deserve genuine reforms, not political stunts such as ICI. Hindi ako sasama sa prosesong alam kong may halong pulitika at hindi patas sa umpisa pa lang.” - Rep. Paolo “Pulong” Duterte
Ayon kay Rep. Duterte, hindi umano siya naniniwala na tunay na reporma ang layunin ng ICI. Sa halip, tingin niya ay isa lamang itong pampulitikang palabas na ang tunay na layunin ay siraan ang mga pangalan ng ilang personalidad, kabilang na siya.
Ang pagtanggi ni Rep. Paolo Duterte sa ICI investigation ay hindi lamang simpleng desisyon isa itong pahayag ng protesta laban sa mga mekanismong tingin niya ay ginagamit para lamang sa pampulitikang agenda.
Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, nananatiling hati ang opinyon ng publiko ang iba’y sang-ayon na dapat humarap si Duterte, habang ang iba’y pumapanig sa kanyang paniniwalang hindi patas ang proseso.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento