Advertisement

Responsive Advertisement

“HUWAG NATING HAYAANG MAGING PRESIDENTE SI VP SARA SA 2028” ATTY. CLAIRE CASTRO MAY PANAWAGAN SA PUBLIKO LABAN KAY VP SARA

Biyernes, Disyembre 12, 2025

 



Naglabas ng matapang at diretsahang pahayag si Atty. Claire Castro hinggil sa nalalapit na halalan sa 2028. Ayon sa kanya, dapat maging mapanuri ang taumbayan sa pagpili ng susunod na Pangulo at isa sa mga dapat umano nilang pag-isipang mabuti ay ang posibilidad na pagtakbo ni Vice President Sara Duterte.


“Hinihiling ko sa publiko huwag nating hayaan maging presidente si VP Sara sa 2028. Sa tingin ko, babagal ang ekonomiya at mawawala ang momentum ng bansa." -Atty. Claire Castro


Giit ni Castro, hindi umano magiging mabuti para sa ekonomiya at pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino kung mauupo bilang pangulo ang Bise Presidente. Ayon sa kanya, may pangamba siyang babagal ang takbo ng ekonomiya at mawawala ang direksyong sinimulan ng kasalukuyang administrasyon.


Dagdag pa niya, nangangailangan ang bansa ng lider na may malinaw na plano, sapat na kaalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno, at matibay na karanasan sa pamumuno mga katangiang tingin niyang hindi tugma kay VP Sara para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.


Ipinaliwanag rin ni Castro na hindi ito personal na pag-atake, kundi isang babala sa publiko na masusing pag-aralan ang magiging kandidato. Para sa kanya, dapat nakabatay ang desisyon ng taumbayan sa kakayahan, track record, at malinaw na polisiya hindi sa popularidad o apelyido.


Sa kanyang matapang na panawagan, ipinapakita ni Atty. Claire Castro ang lumalakas na diskusyon tungkol sa competence, karanasan, at direksyon na kailangan ng bansa pagkatapos ng 2028. Habang wala pang pormal na anunsyo si VP Sara, malinaw na maraming personalidad ang may kani-kanyang pananaw at pangamba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento