Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI KO MAGAGAWANG NAKAWIN ANG PERANG HINDI SA AKIN.” PANGULONG MARCOS MARIING PINABULAANAN ANG PARATANG NA SIYA ANG MASTERMIND

Martes, Disyembre 16, 2025

 





Mariing pinasinungalingan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga paratang mula sa kampo ni VP Sara Duterte na siya raw ang mastermind ng kontrobersyal na flood control project anomaly. Ayon sa Pangulo, malinaw na paninira lamang ang mga bintang at wala itong batayan.


“Hindi totoo ang paratang na ako ang mastermind ng flood control project. Hindi ko magagawang nakawin ang perang hindi sa akin. Huwag tayong magturo nang walang pruweba ang katotohanan ang hahabol sa totoong may sala.” - President Ferdinand Marcos Jr.


Diretsong sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya kailanman gagawin ang gawin siyang sentro ng korapsyon, lalo na’t nakataya ang pangalan ng kanyang administrasyon. Idiniin niyang ang naturang proyekto ay matagal nang nakalatag at hindi siya kailanman naki-alam o nakinabang sa anumang pondo nito.


Ayon sa Pangulo, malinaw na layunin ng mga nagkakalat ng isyu na ilihis ang usapan at iligtas ang sarili sa imbestigasyon.


Sa gitna ng kaliwa’t kanang akusasyon, malinaw ang mensahe ni Pangulong Marcos: wala siyang kinalaman sa anomalya at handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon. Sa kanyang pahayag, pinatitibay niya ang posisyon na dapat lamang managot ang tunay na mastermind hindi ang mga idinadawit upang pagtakpan ang iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento