Advertisement

Responsive Advertisement

"UMAYOS KA, PAPALIT-PALIT KA NG SINASABI PARANG NILOLOKO MO KAMI" SEN. IMEE MARCOS NABUWISIT KAY DPWH SEC. VINCE DIZON SA BICAM

Linggo, Disyembre 14, 2025

 



Maalab at diretsahang pinagalitan ni Senadora Imee Marcos si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon matapos nitong aminin na magkakaroon ng malaking delay sa mga proyekto ng ahensiya sa 2026. Ayon kay Dizon, walang maagang procurement na nagaganap dahil hindi pa malinaw kung aling proyekto ang tuluyang maipapasa.


“Hindi kami nandito para malito. Umayoas ka, papalit-palit ka ng sinasabi, kaya parang niloloko mo kami. Ayusin ninyo ang DPWH budget at bigyan ninyo kami ng malinaw, diretso, at tapat na paliwanag.”  -Sen. Imee Marcos


Para kay Sen. Marcos, hindi katanggap-tanggap ang ganitong atraso, lalo’t ipinapasa na sa Senado ang 2026 proposed budget para sa DPWH. Hindi niya tinago ang inis at pagkadismaya.


Matindi ang naging pahayag ng senadora: “Parang niloloko naman tayo nito. Papalit-palit ka ng sinasabi!”

Dagdag pa niya, mistulang nagiging “lokohan” ang diskusyon sa budget hearing dahil hindi maibigay nang tuwid at konsistente ang paliwanag ng kalihim.


Samantala, ipinagpilitan naman ni Dizon na hindi siya nagbabago ng posisyon. Aniya, dumalo siya sa Bicameral Conference Committee upang ipaliwanag ang magiging epekto ng third reading version ng Senado sa kanilang mga proyekto. Binigyang-diin pa niya na handa naman silang tanggapin ang anumang desisyon ng Kongreso.


Ang banggaan nina Sen. Imee Marcos at DPWH Secretary Vince Dizon ay muling nagpakita ng tensyon sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo pagdating sa national budgeting. Habang iginiit ni Marcos ang kawalan umano ng malinaw na direksiyon ng DPWH, nanindigan si Dizon na ginagawa lamang nila ang tungkulin batay sa nakatakdang proseso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento