Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang malaking pagmamalaki sa mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob pa lamang ng tatlong taon. Ayon sa Pangulo, hindi niya inaasahang ganito kabilis ang progreso ng bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno at buong loob niyang sinabi na nahigitan na ng kasalukuyang administrasyon ang nagawa ng nakaraang pamahalaan.
“Tatlong taon pa lang ang lumipas, pero nahigitan na natin ang nagawa ng nakaraang administrasyon. Proud ako sa ating mga achievements dahil ang benepisyo, direkta ninyong nararamdaman.” - President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa talumpati ng Pangulo, binigyang-diin niya ang mga programang aniya’y nagdala ng tunay na pagbabago: mas pinaigting na imprastraktura, mas organisadong digitalization ng mga serbisyo ng gobyerno, pag-unlad ng ekonomiya, paglaban sa korapsyon, at pagsusulong ng seguridad sa pagkain at enerhiya. Para kay Marcos, ang mga pagbabago ay hindi lamang nasa papel ramdam ito ng ordinaryong Pilipino sa araw-araw.
Inilahad din ng Pangulo na ang mga proyektong sinimulan niya ay hindi basta ipinagpatuloy lamang ang dating administrasyon, kundi pina-unlad at pinalawak upang mas mabilis ang benepisyo sa mamamayan. Dagdag pa niya, mas disiplinado, mas moderno, at mas nakatutok sa long-term development ang kanyang administrasyon kumpara noong nakaraan.
Ang matapang na pahayag ni Pangulong Marcos ay nagpapakita ng kumpiyansa sa direksiyon na tinatahak ng kanyang pamahalaan. Bagama’t may mga opinyong kailangan pang masusing pagsusuri, hindi maikakaila na buo ang paniniwala ng Pangulo sa progreso at bilis ng kanyang mga programa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento