Muli na namang hindi dumalo si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa ikalawang araw ng bicameral conference committee hearing para sa panukalang ₱6.793-trillion national budget para sa 2026.
Ang unang araw ng pagdinig ay kauna-unahang naka-livestream, kaya marami ang umaasang lilitaw si Dela Rosa, lalo na’t hiniling ni Senate Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian na sana’y kumpleto ang presensya ng mga senador.
"Hindi ko ninanais na balewalain ang trabaho, pero may mga sitwasyon na kailangan ko munang pagtuunan ng pansariling proteksyon at legal na proseso.” -Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa
Nakatalaga si Dela Rosa bilang bahagi ng Senate contingent dahil sa kanyang posisyon bilang vice-chair ng Senate Finance Committee, kaya inaasahan sana na magiging aktibo siya sa deliberasyon. Ngunit ang dalawang sunod-sunod na pagliban ay nagdulot ng tanong sa publiko at sa kapwa mambabatas tungkol sa kanyang commitment sa isa sa pinakamahalagang proseso ng gobyerno ang pagbuo ng pambansang budget.
Ang sunod-sunod na pagliban ni Sen. Bato Dela Rosa sa bicameral hearings ay nagdulot ng malaking katanungan sa publiko at sa Senado na handa ba siyang gampanan ang responsibilidad bilang public servant.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento