Nagpahayag ng pag-asa si Senator Panfilo “Ping” Lacson na taos-pusong susuportahan ng Marcos administration ang Anti-Political Dynasty Bill, lalo na’t lumalakas ang panawagan ng ilang mambabatas na gawing urgent measure ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Kung taos-pusong susuportahan ng administrasyon ang Anti-Political Dynasty Bill, may pag-asa pa talaga ang bayan. Gagawin namin ang trabaho sa Senado harap-harapan, mabilis, at malinaw para hindi na mapabayaan ang repormang matagal nang hinihintay ng taumbayan.” -Sen. Panfilo Lacson
Ayon kay Lacson, napakahalaga ng panukalang batas na ito upang magkaroon ng tunay na pagbabago at patas na laban sa pulitika, lalo na sa mga lugar na dekada nang hawak ng iisang pamilya ang kapangyarihan. Para sa senador, kung gugustuhin ng administrasyon, ito ang magiging isa sa pinakamalalakas na reporma sa bansa.
Sa darating na Enero, pangungunahan ni Lacson ang ikalawang committee hearing ng Anti-Political Dynasty Bill sa Senado. Target niya na matapos agad ang committee report upang maisulong na ito sa plenaryo at tuluyan nang pagdebatehan.
Ang mensahe ni Sen. Lacson ay malinaw na hindi tatakbo ang reporma kung walang tunay na suporta mula sa MalacaƱang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento