Uminit ang Bicameral Conference Committee matapos humingi si DPWH Secretary Vince Dizon ng dagdag na ₱45 bilyon para sa 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Hindi ako humihingi ng dagdag na pondo para sa luho ng DPWH. Humihingi ako dahil kailangan natin tapusin ang mga proyekto para sa taumbayan. Kung hindi natin idagdag ang ₱45B, maaantala ang mga imprastraktura na kailangang-kailangan ng mga Pilipino.” -DPWH Sec. Vince Dizon
Sa gitna ng talakayan, hindi napigilan ni Senator Imee Marcos ang pagkainis dahil sa paulit-ulit na pakiusap ni Dizon na ibalik o dagdagan ang pondo ng DPWH, kahit na nagbabala na ang Senado tungkol sa mga naunang problema sa flood control projects at delayed procurement sa ahensya.
Ayon sa ulat, ipinunto ni Dizon na kakailanganin umano ng DPWH ang karagdagang ₱45B upang maipatupad nang maayos ang mga proyektong nakalatag sa 2026. Pero para kay Sen. Imee, tila wala nang malinaw na direksyon ang ahensya at paulit-ulit lang umano ang sinasabi ng kalihim.
Ang tensyon sa Bicameral Conference Committee ay patunay na nananatiling mainit ang usapin sa 2026 national budget, lalo na sa DPWH na isa sa pinakamalaking ahensya pagdating sa paggastos at implementasyon ng proyekto.
Habang iginiit ni Sec. Dizon na kailangan ang dagdag na ₱45B upang maiwasan ang pagkaantala, naninindigan naman si Sen. Imee Marcos na hindi dapat ibigay nang basta-basta ang pera nang walang malinaw at konkretong plano.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento