Hindi maitago ni Presidential Adviser Larry Gadon ang kaniyang paghanga at pagkabigla sa pagkakataong naging malapit siyang katrabaho ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa kaniyang pahayag, inilarawan ni Gadon ang Pangulo bilang isang lider na may kakaibang talino, linaw ng pag-iisip, at husay sa paggawa ng desisyon para sa bansa.
“Saan ka makakita ng adik na napakalinaw mag-isip at napakagaling magsalita, napakatalino magplano at magbigay ng direktiba, at napakagaling mamuno ng isang bansa.” -Presidential Adviser Larry Gadon
Sa gitna ng mga batikos at tsismis na ipinupukol ng ilang kritiko, mariing tinuwid ni Gadon ang mga maling haka-haka tungkol sa Pangulo. Ayon sa kaniya, malayo sa tunay na katangian ni Marcos ang mga paratang na ipinapakalat.
Ibinahagi ni Gadon na sa kaniyang araw-araw na pakikipagtrabaho sa Pangulo, personal niyang nasaksihan ang disiplina, talino, at focus nito pagdating sa pagpaplano ng mga polisiya at pagbibigay ng malinaw na direktiba sa mga ahensya ng gobyerno. Para sa kanya, bihira raw ang lider na ganito katutok at kaganado sa pag-aayos ng bansa.
Malinaw na buo ang tiwala ni Larry Gadon kay Pangulong Marcos. Para sa kaniya, hindi lamang ito isang politiko, kundi isang lider na tapat, matalino, at determinado. Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos, naniniwala si Gadon na mas nakikita sa gawa ang tunay na kalidad ng isang pinuno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento