Kinumpirma ni dating Senate President Tito Sotto na si Senator Erwin Tulfo ang itinalagang acting chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang komiteng kilala sa pag-iimbestiga ng mga anomalya at katiwalian sa gobyerno.
"Naniniwala ako na kaya niyang protektahan ang interes ng taumbayan. Ang Blue Ribbon Committee ay hindi para sa show para ito sa katotohanan, hustisya, at pananagutan." -Senate President Tito Sotto
Ayon kay Sotto, buo ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Tulfo. Hindi raw nagdalawang-isip ang senador na tanggapin ang posisyon, kahit alam niyang mabigat, delikado, at puno ng responsibilidad ang pagiging pinuno ng Blue Ribbon Committee.
Sa pag-upo ni Tulfo, marami ang nag-aabang kung paano niya haharapin ang mga isyu at kaso na pilit iniiwasan o tinatakasan ng ibang opisyal. Kilala ang senador sa pagiging diretso, walang takot, at mabilis kumilos pagdating sa public service mga katangiang sa tingin ni Sotto ay eksaktong kailangan ng komite ngayon.
Sa pagtatalaga kay Sen. Erwin Tulfo bilang acting chairman ng Blue Ribbon Committee, malinaw na gustong makita ng Senado ang isang lider na diretsahan, may paninindigan, at walang kinatatakutan sa paghabol sa katotohanan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento