Advertisement

Responsive Advertisement

"BAKIT SA 500M GALIT KA, SA TRILYONG NAKAWAN HINDI? MAGKANO ANG BAYAD SAYO” ATTY. VIC RODRIGUEZ BINANATAN SI FR. FLAVIANO VILLANUEVA

Lunes, Disyembre 15, 2025

 



Muli na namang uminit ang usaping pulitikal matapos banatan ni Atty. Vic Rodriguez si Father Flaviano Villanueva kaugnay ng pagtuligsa ng pari sa isyu ng ₱500 milyon confidential budget ni VP Sara Duterte.


“Ang tanong ko, Padre bakit sa trilyong nakawan hindi ka nagalit, pero sa ₱500M bigla kang nag-aapoy? Ano ang nangyari sa ’yo? Para bang may ibang kumakadyot sa direksiyon ng mga salita mo.” - Atty. Vic Rodriguez


Hindi nagustuhan ni Rodriguez ang tila pagkiling umano ni Villanueva sa ilang isyu at pagpopokus lamang sa mga kontrobersiyang konektado sa oposisyon. Sa kanyang matapang na pahayag, diretsong kinuwestiyon ng abogado kung bakit tila hindi nagagalit ang pari sa mas malalaking anomalya na nangyari noon, kabilang ang umano’y trilyong piso na nakaw ng nakaraang administrasyon, ngunit bigla itong nagiging vocal at galit sa usapin ng confidential budget ni VP Sara.


Ayon kay Rodriguez, nagmumukhang “selective anger” ang ipinapakita ng pari, isang bagay na hindi raw dapat nanggagaling sa isang taong nagsisilbi sa simbahan. Mas matindi pa ang banat ng abogado nang sabihin niyang tila “binayaran ka ata ng kampo ni Marcos”, patutsada niyang layong ipakita ang umano’y pagkiling ni Villanueva sa isang direksyon lamang ng politika.


Ang matapang na patutsada ni Atty. Vic Rodriguez kay Father Flaviano Villanueva ay nagpakita ng lumalalim na banggaan ng pananaw sa pagitan ng ilang religious leaders at political figures.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento