Matapang na kinuwestiyon ni Cavite Rep. Kiko Barzaga ang galit na ipinapakita ni Father Flaviano Villanueva laban sa iisang opisyal ng gobyerno. Sa halip na magpakita ng balanseng paninindigan, sinabi ni Barzaga na tila pinipili lamang ng pari kung sino ang kanyang kinukuwestiyon, isang bagay na hindi raw dapat lumalabas mula sa isang taong naglilingkod sa simbahan.
“Kung galit ka sa mga magnanakaw, bakit sa isang tao ka lang nakatutok? Kung talagang laban sa katiwalian ang pinaglalaban mo, mas may dahilan kang magalit sa pinakamataas na pinagmumulan nito" -Cavite Rep. Kiko Barzaga
Ayon kay Barzaga, kung totoong galit si Villanueva sa mga magnanakaw at katiwalian, bakit tila nakatuon lang siya sa isang personalidad? Dapat aniya mas malawak ang kanyang panawagan, lalo na kung ang punto niya ay paglilinis ng gobyerno.
Mas matindi pa ang banat ni Barzaga nang sabihin niyang kung konsekwenteng laban sa korapsyon ang laban ng pari, dapat mas matindi ang galit nito kay Pangulong Marcos, na ayon sa kanya ay “punot dulo” ng mga isyung kinakaharap ng administrasyon ngayon.
Sa harap ng mas umiinit na diskusyon tungkol sa katiwalian at pananagutan sa pamahalaan, ang banat ni Rep. Kiko Barzaga kay Father Villanueva ay naglalantad ng mas malaking usapin, ang selective outrage na madalas maging ugat ng pagkakawatak-watak ng publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento