Matapang na nanawagan si Rep. Leila De Lima sa Kongreso upang ipriyoridad ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa kanya, hindi biro ang isyu ng ₱500 milyon na umano’y iwinaldas ng Bise Presidente, at hindi dapat ipagsawalang-bahala ang bigat ng alegasyong ito.
“Napakalaking halaga ang ₱500 milyon. Hindi ito pwedeng pagtakpan o ipagkibit-balikat. Kung may pananagutan, dapat managot. At ang Kongreso, tungkulin namin na unahin ito para sa bayan. Ngayon ang tamang oras huwag na nating patagalin pa.” - Rep. Leila De Lima
Giit ni De Lima, seryosong krimen ang maling paggamit ng pondo ng bayan, lalo na kung umaabot sa daan-daang milyong piso. Kung hindi ito aaksyunan kaagad ng Kongreso, baka mawala ang tiwala ng publiko at lalong lumalim ang kultura ng kawalan ng pananagutan sa gobyerno.
Dagdag pa niya, kung talagang may laban para sa transparency at good governance, dapat ngayon na ang aksyon huwag nang hintayin pang lumala ang sitwasyon o maipit sa pulitikal na intriga. Sa mata ni De Lima, ang imbestigasyon at impeachment process ay hindi lamang tungkulin kundi responsibilidad sa sambayanan.
Ang panawagan ni Rep. Leila De Lima ay malinaw at diretso: kung may seryosong alegasyon ng pagwaldas ng pondo, dapat unahin ito ng Kongreso.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento