Advertisement

Responsive Advertisement

"BINIBIGYAN KA NAMIN NG ISA PANG PAGKAKATAON, HUWAG MONG SAYANGIN" AKBAYAN REP. PERCI CENDAÑA TIWALA SA MARCOS ADMINSTRATION NA SUSULITIN ANG 2ND CHANCE

Lunes, Disyembre 15, 2025

 



Naglabas ng matapang at diretsahang panawagan si Akbayan Rep. Perci Cendaña: Pangulong Bongbong Marcos Jr. dapat nang “mag-step up,” samantalang si Vice President Sara Duterte ay panahon nang “mag-step down.”


“Binibigyan pa ng taumbayan ng second chance ang Pangulo kaya dapat niyang sulitin. Pero kay VP Sara, malinaw ang mensahe: sobra na ang kontrobersiya. Para sa bayan, panahon na para mag-step down.” - Rep. Perci Cendaña


Ayon kay Cendaña, malinaw umano na nahaharap ang bansa sa seryosong krisis sa tiwala ng publiko. Madalas nang nadadawit ang gobyerno sa mga kontrobersiya, at kung hindi kikilos ang administrasyon, maaaring tuluyang mawala ang kumpiyansa ng taong-bayan.


Giit ng kongresista, binibigyan pa raw ng sambayanan ng second chance ang Pangulo, isang pagkakataong dapat samantalahin ni Marcos upang maging mas proactive, mas transparent, at mas decisive sa paglilinis ng gobyerno. Aniya, may pagkakataon pa ang Pangulo na ituwid ang mga pagkukulang ng kanyang administrasyon.


Ang panawagan ni Rep. Perci Cendaña ay hindi simpleng puna, isa itong direktang hamon sa kasalukuyang liderato. Sa kanyang pananaw, kung nais talagang maibalik ang tiwala ng taumbayan, dapat magpakita ng malinaw na aksyon ang Pangulo, habang ang Bise Presidente ay dapat nang magpakita ng pagpapakumbaba sa pagbitaw sa posisyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento