Naglabas ng matapang na pahayag si Atty. Vic Rodriguez laban sa mga kritiko ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa kanya, ang patuloy na pagpupursigi ng ilang grupo na mapabilis ang impeachment process ng Bise Presidente ay hindi dahil sa prinsipyo kundi dahil sa takot na baka si VP Sara ang maupo bilang susunod na Pangulo.
“Takot na takot sila kay Inday Sara. Alam nila na kapag tumakbo si VP sa 2028, wala silang laban. Kaya ngayon pa lang, desperado na nilang minamadali ang impeachment. Huwag tayong magpabulag sa kanilang taktika.” - Atty. Vic Rodriguez
Giit ni Atty. Vic, desperado na raw ang kampo ng mga Marcos dahil alam nilang malakas pa rin ang suporta ng publiko kay Inday Sara. Kung papayagan siyang tumakbo sa 2028, malaki raw ang posibilidad na talunin niya ang sinumang kandidato mula sa administrasyon.
Dahil dito, pinaniniwalaan ng abogado na ang totoong motibo sa likod ng pagpapamadali ng impeachment ay hindi para sa bayan, kundi para tanggalan si Sara Duterte ng tsansang lumaban sa 2028 elections.
Dagdag pa niya, hindi raw kataka-takang kaliwa’t kanan ang pag-atake sa Bise Presidente sa media at sa Kongreso. Para sa kanya, malinaw na “political demolition” ang nagaganap at ang layunin ay simple: sirain si Sara habang maaga.
Ang pahayag ni Atty. Vic Rodriguez ay nagbukas ng bagong anggulo sa umiinit na pulitika: na ang impeachment umano ni VP Sara ay hindi simpleng usaping legal, kundi istratehiya para sa 2028 elections.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento